DOH: Kaso ng COVID-19 tumaas ng 36 porsyento

0
140

Nagpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula Disyembre 5 hanggang 11. Ito ay mas mataas ng 36 porsyento kung ihahambing sa mga kaso noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.

Sa pambansang COVID-19 case bulletin, umabot na sa 260 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo. Sa mga bagong kaso, 13 ang may malubha at kritikal na karamdaman habang 13 na ang pumanaw na, kabilang ang anim na naitalang kaso noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 11.

Noong ika-10 ng Disyembre 2023, mayroong 228 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital sa buong bansa dahil sa COVID-19.

Sa gitna ng patuloy na banta ng virus, pinaalalahanan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante at boluntaryong magsuot ng face mask para mapanatili ang kalusugan at makaiwas sa ibang sakit.

Ang pagtutulungan ng bawat isa ay mahalaga upang mapababa ang kaso at protektahan ang komunidad laban sa COVID-19, ayon sa DOH.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo