Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, epektibo simula ngayong araw

0
182

Inaasahan ang pagpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong araw, Disyembre 19, ayon sa anunsyo ng ilang kilalang kompanya ng langis sa bansa.

Ang mga pangunahing kalahok sa industriya tulad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum ay nagpahayag na magkakaroon ng dagdag na P0.10 kada litro para sa diesel at bawas na P0.85 kada litro naman para sa kerosene. Sa kabilang banda, mananatiling parehas ang presyo ng gasolina simula alas-6 ng umaga.

Isa rin sa nagtakda ng katulad na pagbabago sa presyo ang Caltex (CPI) at Cleanfuel, na magiging epektibo alas-12:01 mamayang hatinggabi.

Ang hakbang na ito ay epekto ng patuloy na pagbabago ng presyo sa pandaigdigang merkado ng langis. Noong Martes, nagpatupad na rin ang ilang kompanya ng langis ng bawas-presyo, kung saan nagkakahalaga ito ng P1.60 kada litro para sa gasolina, P1.85 kada litro para sa diesel, at P1.40 kada litro para sa kerosene.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo