9 na crew nasagip sa lumubog na bangka sa Batangas

0
138

SAN JUAN, Batangas. Siyam na crew members ng isang motorized banca ang nasagip matapos lumubog ang kanilang sasakyan sa Tayabas Bay, San Juan, Batangas noong Biyernes, Disyembre 22.

Sa isang pahayag ng Philippine Coast Guard (PCG)-District Southern Tagalog nitong Sabado, napag-alaman na ang bangkang may pangalang “Hasta Lavista” ay naapekuohan ng malalakas na alon bandang alas-10 ng gabi sa karagatan na sakop ng Barangay Laiya. Dahil sa matinding pinsala, napilitang iwanan ng skipper ang bangka na halos kalahati nang nakalubog.

Agad na tumugon ang mga tauhan ng PCG at ang crew ng MV Ocean Dependable, isang barkong may watawat ng Denmark, upang isagip ang siyam na tripulante. Sa suwerte, lahat sila ay ligtas at walang pinsanang naitala.

Ang mga nasagip na crew members ay dinala agad sa PCG station sa Lobo, Batangas para sa masusing pagsusuri at pagbibigay ng kaukulang tulong. Ayon sa initial assessment, wala namang kritikal na pinsala sa kanilang kalusugan.

Batay sa ulat, ang 35-toneladang bangka ay bago pa lamang binili at ginagamit para sa pasahero. Nagsimula itong biyahe mula sa Dinagat Island sa Surigao del Norte noong Disyembre 20 at inaasahang makakarating sa Calatagan, Batangas.

Upang maiwasan ang posibleng kapahamakan, naglabas ng abiso ang PCG para sa lahat ng bangka at barko na dadaan sa lugar na may half-submerged na bangka.

Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan upang malaman ang eksaktong sanhi ng paglubog ng bangka at mapanagot ang kinauukulan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo