Media Welfare Worker Welfare Act, pasado na sa ikatlong pagbasa sa Kongreso

0
482

Maynila. Inaprubahan ng Kongreso sa ikatlong pagbasa noong Lunes, Nobyembre 15, 2021, ang Media Workers’ Welfare Act na magbibigay ng pinaghusay na proteskyon, seguridad at benepisyo sa media workers.

Layunin ng nabanggit na batas na tiyakin na ang mga media workers ay tumatanggap ng minimum wage, allowances at benefits sang ayon sa ipinag uutos ng batas.

Ayon dito, ang mga media workers ay kailangang ipalista bilang miyembro ng Social Security System, Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG Fund, at ng Philippine Health Insurance Corp. sa sa sandaling sila ay tinanggap bilang empleyado.

Ang mga employer ay inaatasang magbigay ng dagdag na insurance coverage sa media workers na may kasamang death benefit na P200,000; disability benefit na P200,000 at medical insurance na P100,000.

Ginarantiyahan din ng nabanggit na bill ang security of tenure ng mga mamamahayag pagkatapos ng anim na buwang probationary period.

Aatasan ang Department of Labor and Employment bilang agency in charge ng monitoring compliance sa mga probisyon ng nabanggit na iminungkahing batas.

Isang Media Tripartite Council ang bubuuin at magsisilbing ugnayan ng mga stakeholders at magbibigay ng platform kung saan ang mga media workers at employers ay maaaring magkasundo sa mga isyung magiging kapaki pakinabang sa magkabilang panig upang isulong ang mga interes ng media industry. Magsisilbi din itong daan upang maipahayag ang kanilang mga mithiin, talakayin ang kanilang programa at aregluhin ang mga tunggalian.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.