‘No Registration, No Travel’ campaign ng LTO muling sisimulan: Asahan ang mahigpit na implementasyon ngayong Linggo

0
1830

Matapos ang mahabang bakasyon ng Pasko at Bagong Taon, muling magsisimula ang pagpapatupad ng kampanya ng Land Transportation Office (LTO) na tinatawag na ‘No Registration, No Travel’ sa buong bansa.

Sa pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ipinaalala niya sa mga motorista na sumunod sa mahigpit na implementasyon ng nasabing polisiya. Idiniin niya na ang sinumang mahuhuling lumalabag sa polisiya ay papatawan ng kaukulang kaparusahan, tulad ng P10,000 multa kapag nahuli ng mga enforcers ng LTO.

“Starting this  week, we will be reviving our strict ‘No Registration, No Travel’ campaign across the country, so wala ng warning lang. As such,  I would like to appeal to our delinquent motor vehicle owners to find time to renew the registration of their respective motor vehicles to avoid paying hefty fines,” ayon kay Mendoza.

Sa pangangasiwa ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista noong unang bahagi ng Disyembre 2023, inatasan ni Mendoza ang kanilang mga Regional Directors at enforcers na magbigay babala sa mga motoristang hindi sumusunod sa batas sa halip na isyuhan ng tiket sa panahon ng kapaskuhan.

Nagbabala si Mendoza na magiging mas agresibo ang kampanya laban sa mga pasaway na driver ng motor vehicles sa buong taong 2024. Ayon sa tala ng LTO, umabot sa 24.7 milyon ang mga pasaway na driver sa buong bansa, na kumakatawan sa 65% ng kabuuang bilang ng mga sasakyan.

“Our determination to have all these delinquent motor vehicles registered is primarily about safety for all road users,” giit ni Mendoza.

“Aside from strict enforcement, we are also implementing ways to make the renewal of the motor vehicle registration fast and comfortable to all our clients. This is the reason why I ordered the creation of special or fast lanes for delinquent motor vehicle registration in all our offices nationwide,” dagdag pa ng opisyal.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.