CHED: SHS program hindi ina-abolish

0
189

Nagbigay-linaw ang Commission on Higher Education (CHED) kahapon na hindi pa ina-abolish o binubuwag ang senior high school (SHS) program. Ang paglilinaw ay galing kay CHED Chairman Prospero de Vera III, kasunod ng lumabas na mga pekeng balita na nag-abiso siya ng pagsasara ng SHS program.

Noong una, naglabas ang CHED ng isang memorandum na nagsasaad na ititigil na ang SHS program sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs). Layunin nito na paalalahanan ang mga SUCs at LUCs na wala na silang legal na basehan upang patuloy na tumanggap ng SHS students dahil nagtapos na ang K-12 transition period.

Binigyang-diin ni De Vera na ang CHED ay walang kapangyarihan upang i-terminate ang SHS program. “I was surprised by the fake news and insinuations that have been circulating, so I’d like to make clear — K to 12 is not abolished and CHED has no authority to abolish senior high,” aniya pa sa panayam sa telebisyon.

“Because I’ve been getting reports complaining that I have abolished senior high school. That’s not within the jurisdiction of CHED,” dagdag pa niya.

Tiniyak din ni De Vera, magpapatuloy ang implementasyon ng K-12 program, alinsunod sa Republic Act 10533 o The Enhanced Basic Education Act of 2013.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.