Meralco, tataas ang singil ngayong Enero

0
134

Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Magpapatupad ang Meralco ng upward adjustment na P0.08 kada kiloWatt-hour (kwh) sa kanilang elec­tricity rate ngayong buwan bunga ng mas mataas na generation charge.

Dahil sa dagdag-singil, ang overall electricity rate sa isang typical household ay aabot na sa P11.3430 kada kWh mula sa P11.2584 kada kWh noong Disyembre.

Nangangahulugan na ang total electricity bill ng mga tahanang gumagamit ng 200 kWh kada buwan, ay magkakaroon ng hanggang P17 dagdag sa bayarin sa kuryente habang P25 sa kumukonsumo ng 300 kWh.

Nasa P34 naman ang dagdag sa nakakagamit ng 400 kWh at P42 sa 500 kWh kada buwan.

Noong Disyembre 2023 nagpatupad ang Meralco ng P0.80 kada kWh na bawas sa singil sa kuryente dahil sa pagbaba ng presyo sa spot market.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo