7-anyos na batang babae, iginapos, ginahasa, at pinatay sa kuweba

0
442

LUCBAN, Quezon. Natagpuan sa loob ng isang kuweba sa bayang ito ang bangkay ng isang 7-anyos na batang babae, na pinaniniwalaang biktima ng kahindik-hindik na karahasan noong Linggo ng umaga.

Ang Grade 2 pupil na kilala sa pangalang “Nene,” ay nawawala mula pa noong Sabado ng gabi hanggang sa matagpuan ang kanyang bangkay na nakagapos at nakatago sa loob ng isang kuweba sa malayo at madilim na bahagi ng brgy. Palola.

Naiulat ng magulang ni Nene ang kanyang pagkawala sa Lucban Police, na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon. Natuklasan ng tiyo ng biktima ang bangkay nang makakita siya ng isang lalaki na may dalang panghukay na lumabas mula sa kuweba.

Ngang makaalis ng lalaki, agad na tinungo ng tiyo ang lugar at doon nadiskubre ang katawan ng kanyang pamangkin na tinabunan ng mga bato.

Ayon sa ulat ni Major Marnie Abellanida, Lucban police chief, inaresto nila ang 33-anyos na lalaki na si Alyas Noel, na nanggaling sa kuweba, matapos ang follow-up operation. Positibong kinilala ng ina ang nasawing bata.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Lucban Police, kasabay ang pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa labi ng biktima upang malaman ang ikinasawi at tiyakin ang aspeto ng pang-aabuso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.