Pimentel kay Marcos: Hinay-hinay sa mga pahayag sa foreign policy

0
277

Pinag-iingat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa foreign policy ng bansa matapos ang pagbatikos ng China sa kanyang pagbati kay Taiwan President Lai Ching-te.

Ayon kay Pimentel, dahil tayo ay sumusunod sa One China Policy, mahalaga na patuloy nating sundin at kilalanin ang ito. “Yes, mag-ingat. Also because we (PH) chose to adhere to the one China policy. That’s our own decision hence our actions must match our official positions,” pahayag ni Pimentel.

Ipinaliwanag ni Pimentel na ang pagpapasya ng gobyerno ng Pilipinas na sumunod sa One China Policy ay isang sariling desisyon kaya’t dapat na ang mga aksyon natin ay naaayon dito.

Tinukoy pa ni Pimentel na pagdating sa bilateral relations at mga isyu sa People’s Republic of China, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang dapat sumagot, habang ang Manila Economic and Cultural Office o MECO naman ang maaaring gamitin sa pagtalakay ng mga usapin na may kaugnayan sa Taiwan.

Nauna dito, ipinatawag ng foreign ministry ng China ang ambassador ng Pilipinas sa bansa matapos ang pagbatikos sa pagbati ni Marcos kay Taiwan President Lai Ching. Nagbabala rin ang China sa Pilipinas na “not to play with fire” o huwag makipaglaro sa apoy matapos ang pangyayari.

Ang naging pagtutok ng mga opisyal sa DFA at MECO ay isang hakbang na maaaring magsilbing gabay para mapanatili ang maayos na ugnayan sa gitna ng mga bansa sa kabila ng kontrobersiya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.