Comelec: Malabo ang plebisito para sa cha-cha sa Hulyo

0
230

Tila malabo ang inaasahang plebisito para sa People’s Initiative na amyendahan ang 1987 Constitution sa Hulyo, ayon sa pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia.

Ayon kay Garcia, hindi pa sapat ang bilang ng pirma na natanggap ng Komisyon mula sa mga bayan at lungsod upang maganap ang plebisito sa loob ng anim na buwang itinakda.

“May nakita akong (nagsabi na) June, may nakita rin akong July. Mukha pong napakalapit naman, masyadong ine-estimate, Masyadong napapangunahan yung Commission on Elections sapagkat magve-verify pa po kami ng signatures later,” sabi ni Garcia.

“Base sa ating monitoring, 253 po ang ating distrito. E mukhang wala naman pong 253 na distrito ang nagkakaroon ng mga signatures na nasusubmit sa local Comelec natin. Ang usapan, dapat lahat ng distrito sa buong Pilipinas,” ayon pa sa Comelec chair.

Kasunod ng pahayag ni Garcia ang ulat na nagmula kay Albay Representative Joey Salceda hinggil sa pagtataguyod ng People’s Initiative para sa Charter change o Cha-cha, na layuning magkaruon ng plebisito sa Hulyo.

Ngunit ayon kay Garcia, hindi maaaring matali ang Comelec sa timeline na itinakda ng anumang grupo o tao. Binigyang-diin ni Garcia na mayroong timeline ang Comelec alinsunod sa umiiral na patakaran at batas.

“Yung sinasabi nilang dates, nabasa ko rin ‘yan, pero ang katotohanan, paano nila masasbi yung timelines gayong wala pa namang fina-file sa Comelec?” pahayag ni Garcia.

Idinagdag pa niya na ang inaasahang plebisito sa Hulyo ay maaaring maging posible kung ito ay naisumite sa unang linggo ng Enero.

“Siguro po pag na-submit nila yan as early as January first, first week baka mahabol pa pero nasa pangatlong linggo na tayo ng Enero. At again, ngayon po ay nagsusumit pa lang ng signatures sa mga election officers at at the same time di pa ganon kadami,” sabi ni Garcia.

Idinagdag pa niya na ang inaasahang plebisito sa Hulyo ay maaaring maging posible kung isusumite ito sa unang linggo ng Enero.

“Siguro kung isusumite nila ito ng maaga, sa January first, first week, baka sakaling mahabol pa, pero ngayon ay nasa pangatlong linggo na ng Enero. At muli, ngayon pa lang nagpapasa ng mga pirma sa mga election officers at hindi pa ganoon karami,” sabi ni Garcia.

Tinukoy din ni Garcia na ang beripikasyon ng mga pirma ay aaksyunan upang tiyakin ang transparency at validity.

Sa kabilang banda, ibinunyag ni Garcia na nitong Huwebes, nakakalap na ang mga lokal na opisina sa mga lungsod at munisipalidad ng hindi kukulangin sa 726 na registration forms.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.