That week – of hearing P.I. and backbiting – makes one weak

0
359

I heard one say on television that that P.I. is so bad it meant the other way – the scandalous way. But as we know, it is the acronym of people’s initiative, a mode chosen by some for their informally proposed amendments to the 1987 Constitution. To make things worse (or worsening the worst?) in just a matter of one week, Marcoses and Dutertes (or Dutertes and Marcoses), the two dynastic political elites that immediately come to the minds of Philippine observers, figured in backbiting to the extreme.

If the faithful promote the saying “seven days without praying makes one weak,” Marcos Jr. and Rodrigo Duterte, post-EDSA presidents, may be out to promote a strong week meant for “bardagulan” which is the slang for aggressively trading insults online. Are the political leaders rallying us to disunite?

The way I see it, the week should have been more about our foreign relations with China and our deep acknowledgment of educational issues raised by no less than EDCOM II and perusing its sharp, urgent recommendations.

What I first heard was: “Merong rally bukas, magpi-pink ako.” What is clear is that wearing pink means one is neither a pro-Marcos nor pro-Duterte. It turned out that there were two rallies, instead of one (hindi kinayang ipaliwanag ng Presidential Communications Office kung bakit nataon pang dalawa; silent lang sila sa isang rally pero todo-pabida sa rally that launched Bagong Pilipinas).

Madali lang talagang gumasta ngayon, or si Vice President Sara Duterte lang, hindi tayo. Dalawa ba naman ang kanyang dinaluhang rallies: Luneta sa araw at Davao City sa gabi. Sabi naman ng iba, normal na pakikipagpaligsahan lang niya iyon kay Marcos Jr dahil ang naunang linggo ay hitik na hitik sa usapin sa pangulo na natuligsa matapos siyang gumamit ng helicopter para makapanood ng concert ng Coldplay samantalang ang mga tao nama’y bumiyahe sa sobrang traffic. Eroplano o helicopter? Pareho. Laging handa ang pinaghihirapang bayarang buwis ng taumbayan pampagasolina sa kanila.

Kailan tayo naging handa to put food on the table sa mga hikahos, sa mga magsasakang walang masaka, walang magamit na teknolohiya, walang pamasahe, sa hinaing ng mga doktor at kanilang mga katuwang? At pinakahuli pero isa sa pinakamahalagang dapat tutukan sa nagdaang linggo: Naghahanda na ba tayo sa mga gastusin para maisulong ang agarang reporma sa edukasyon dahil sa “miseducation” / learning crisis na lumabas sa pag-aaral ng EDCOM II?

Anong usapin meron tayo? Bangayang Marcos-Duterte. Ang layo sa tamang pagtutok sa prayoridad. At lalong napakalayo sa pinangalandakang “pagkakaisa;” kung bakit naman pinaniwalaan ng mga botante ito bilang plataporma sa halip na bahagi lamang o consequential lamang sa matinong courses of action.

Baka mapansin ng ibang readers ang tila hindi pagtutok sa sinundang mga araw kung saan painit nang painit ang hidwaan ng dalawang makakapangyarihang pamilya. Nahagip pa nga ng government-owned TV station ang pag-iwas ni First Lady Liza Araneta Marcos sa limang hakbang na agwat niya kay Vice President Sara Duterte. Maya-maya, kinamayan at inakbayan niya ang Executive Secretary na katabi lamang din ng VP bago sumakay ng eroplano ang Pangulo at First Lady papuntang ibang bansa (ulit).

Magagamit na ba ang milyon/bilyon/trilyong investment pledges? O hindi pa tayo handa sa katotohanang ang pledge ay hindi pera?

Habang pinagre-resign ng kapatid ni VP Sara ang Pangulo at inuungkat na naman ng dating Pangulo ang sariling drug accusations laban sa kasalukuyang Pangulo (kinalauna’y nasundan ng “Fentanyl vs Bangag, Adik” ang helicopter laban sa eroplano), paano pa matututukan ni Sara Duterte ang mga rekomendasyon ng EDCOM II para agad na masimulan ang reporma sa edukasyon? Nasa gabinete siya ni Marcos Jr., kaya sinong mag-aakalang napakadali ng mga bagay-bagay at pakikibagay sa First Family ng babaeng mula sa Davao? Well, tinalakay na natin kamakailan dito sa Inside Academe ang napakahalagang pagbibitiw (nagawa na nga rin ni Marcos Jr sa kanyang Agriculture portfolio) sa tungkuling DepEd Secretary at mas mataas na pagsasaalang-alang na meron talagang tutok na oras sa kapakanan ng mga bata, guro, at buong sektor ng edukasyon.

“7 days w/o praying makes 1 weak? Magpatulong tayo kay Senadora Imee Marcos. Sa paraan ng panalangin, heto ang sabi niya: “Haplusin nawa Ninyo ang puso ng aking kapatid, ang Pangulo ng Pilipinas; buksan po Ninyo ang kanyang mga mata at bigyan N’yo siya ng kaliwanagan ng pag-iisip, gisingin N’yo po siya at ilayo sa mga demonyong nakapaligid sa Palasyo.”

Pero nanawagan ang dalawang kongresistang sina 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan at Manila 6th District Rep. Benny Abante na magdasal nang taimtim. “The sanctity of our prayers should not be overshadowed or darkened by political agendas,” ani Libanan. Para naman kay Abante: “When we pray, we communicate directly with our Father… It is our direct line to God, a sacred conversation meant for worship, repentance, and genuine supplication.”

Ironically, ang word na “spiritual,” pati “spirituality” na isang “common human phenomenon” (Swinton 2016) ay hindi man lang nabanggit sa 357-page EDCOM II report pero nabanggit naman ang Association of Christian Schools, Colleges and Universities–Accrediting Agency, Inc., Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, at iba’t ibang private and public institutions, at may malalim na pagtalakay na may kinalaman sa Code of Ethics for Professional Teachers, pati ang ethical education. Napakahusay ng dokumentong ito. Mapagkakatiwalaan din ito dahil sa paggamit ng iba’t ibang eksperto sa working committees sa unang taon pa lamang nila ng pagtatrabaho. Sa mga hindi pa nakapagda-download – libre naman – at nakapagbabasa, mangyaring magbasa na nito na may ganitong bibliographic citation: Second Congressional Commission on Education (2024). Miseducation: The failed system of Philippine education, EDCOM II year one report. Second Congressional Commission on Education.

Mapangahas din ang cover art ni Niño Cris Odasis. Walang magagawa sa kapangahasan dahil gumamit lang ng simbolismo ng tunay na kalagayan ng edukasyon si Odasis: pagsasalarawan ng dalawang batang nakatulugan na ang pagod at hirap sa pag-aaral at natatabunan sila ng procurement/TESDA/DepED/CHED/NAT (issues), tarpaulin ng pagbati ni “Mayor Batman” sa pumasa sa board exam (LET) ng mga guro, mga silyang naglulumaan at tinubuan na ng kabute.

Nawa, sa susunod na linggo, makabawi naman tayo – sa panalanging may kaakibat na pagkilos – hinggil sa masinsinang usapin kung paano mapag-aayos ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa matapos (tapos na nga ba?) ang napakalalang iringan ng mga Duterte at Marcos na naibandera rin sa mga pahayagan at media sa ibayong dagat; konkretong solusyon at/o pagtugon sa paglaban sa kahirapan at pagpapataas ng GDP; kawalang trabaho; kagutuman; isyung pangkalusugan; pagkakawatak-watak ng mga partido pero sila naman ang nasa pwesto ng paglilingkod; pagkalustay ng malakihang pondo ng bayan; moro-morong paghahanap ng hustisya; at miseducation.

Interestingly it is “P.I.” when shortened, too. What prayer item do you have?

Author profile
DC Alviar

Professor DC Alviar serves as a member of the steering committee of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He was part of National University’s community extension project that imparted the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities in a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with a master’s degree in development communication from the University of the Philippines Open University in Los Baños. He recently defended a dissertation proposal for his doctorate degree in communication at the same graduate school under a Philippine government scholarship grant. He was editor-in-chief of his high school paper Ang Ugat and the Adamson News.