11 rescue vehicles ipinamahagi ni Cong. Amante sa Laguna 3rd District

0
164

SAN PABLO CITY, Laguna. Ipinamahagi ni 3rd District Representative Loreto “Amben” Amante ang labing isang rescue vehicle sa mga Barangay ng kanyang distrito sa lalawigan ng Laguna. Ang donasyon ng mga sasakyan ay naglalayong mapabuti ang kakayahan ng bawat barangay na magbigay ng agarang tulong sa oras ng mga emergency at kalamidad.

Nagpasalamat ang bawat miyembro ng sangguniang barangay sa ikatlong distrito ng Laguna na napagkalooban ng brand new rescue vehicle kabilang ang Barangay Bayate sa Liliw, sa ilalim ng pamumuno ni Kapitan Nicanor Panaglima at ng buong Sanggunian.

Ayon kay Cong. Amante, “Higit na kailangan talaga ng bawat barangay ang rescue vehicle upang agad silang maka responde sa mga emergency at kalamidad.” Ang pondong ginugol sa pagbili ng mga sasakyan ay galing sa National Government, ayon sa kanya.

Kaugnay nito, ipinayo ni Cong. Amante sa lahat ng tumanggap nito na ingatan ang paggamit “upang tumagal ang serbisyo ng rescue vehicle sa bawat barangay sa ikatlong distrito ng Lalawigan ng Laguna.”

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.