PBBM: Cha-cha hanggang economic provisions lang

0
145

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatuon lamang sa economic provisions ang isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas o Charter Change (Cha-cha).

Sa kanyang talumpati sa Constitution Day sa Shangri-La, Makati, sinabi ni Pangulong Marcos na layunin lamang ng Cha-cha na palakasin ang ekonomiya ng bansa.

“I want to make it clear: This Administration’s position in introducing reforms to our Constitution extends to economic matters alone, or those strategically aimed at boosting our country’s economy. Nothing more,” pahayag ng Pangulo.

Paglilinaw niya, ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na magsusulong para makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan upang makatulong na maabot ang ambisyon na maitaas sa middle-class income status ang Pilipinas sa darating na 2025.

Bagama’t 16 porsiyento lamang ang ibinaba ng halaga ng net foreign direct investment (FDI) inflows, patuloy aniya na lumalago ang ekonomiya ng bansa at inaasahang lalago pa ito ng 6 hanggang 7.5 percent sa kalagitnaan ng taon.

Kasabay nito, nanawagan din si Pangulong Marcos sa publiko na suportahan ang pamahalaan sa pagprotekta sa Konstitusyon pati na ang territorial integrity at people’s sovereign will kasabay ng pangako na maging “Great Protector of the Constitution.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo