Simula bukas, Nobyembre 22 ay nasa Alert Level 2 na ang Occidental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Oriental Mindoro sa Region IV-B, ayon sa pinakahuling report mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) matapos aprubahan nito ang Phase 4 ng Alert Level System.
Kabilang sa inilagay sa Alert Level 2 ang Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur and Agusan del Norte sa Region XIII (CARAGA) at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala, inilagay naman sa Alert Level 3 ang Apayao, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Dinagat Islands sa CARAGA; at Sulu sa BARMM.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.