Ex-army patay sa ganti ng inatakeng mag-asawa, imbestigasyon patuloy

0
195

LUCENA CITY, Quezon. Patay ang isang retiradong sundalo ng Philippine Army kamakalawa sa ganting putok matapos niyang barilin ang ang isang mag-asawa sa lungsod na ito sa Quezon.

Ayon sa ulat ng Lucena City Police Station, naganap ang insidente bandang 8:30 ng gabi habang naglalakad pauwi ng kanilang tahanan ang isang alyas na Janeth, 56 anyos, sa Barangay 5 ng biglang siyang binaril sa ulo ni alyas “Noel,” 66-anyos na retiradong sundalo, gamit ang caliber .38 na baril.

Matapos barilin si Janeth, pumunta si Noel sa kanilang tahanan at doon binaril naman ang asawa ni Janeth na si Fernando, 54 anyos at tinamaan ito sa likod. Bagamat may tama na, nagawa pa ni Fernando na kunin ang kanyang baril at ginantihan si Noel, na agad nitong kinamatay.

Dinala sa Quezon Medical Center ang mag-asawa upang gamutin ang kanilang mga sugat. Sa ngayon ay wala pang update tungkol sa kanilang kalagayan.

Ayon sa awtoridad, posibleng matinding galit na inaalam pa ang detalye ang naging motibo ni Noel sa pamamaril sa mag-asawa. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa kaganapan upang mabigyang linaw ang naganap na insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.