20 bagong gamot sa kanser, hypertension, at iba pang sakit, libre na sa VAT

0
318

Hindi na sisingilin ng value added tax ang 20 gamot na ginagamit ng taong may kanser, hypertension, diabetes, kidney disease, mental illness, high cholesterol, at tuberculosis matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang exemption nito sa buwis.

Ipinahayag ito ni Senador Edgardo “Sonny” Angara, pangunahing may-akda ng Republic Act 10963 o ang TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law, na nag-aalis ng buwis sa mga nabanggit na gamot na gamit ng may malalang sakit.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate committee on finance, na umabot na sa mahigit 2,000 vat-exempt drugs para sa prevention at management espisipikong sakit, kabilang ang gamot na palaging ginagamit ng mas nakakaraming mamamayan.

“Nagpapasalamat tayo sa paglabas ng panibangong listahan ng 20 na gamot para sa mga sakit tulad ng hypertension, diabetes, high cholesterol at kidney diseases na karaniwang nararanasan ng marami sa ating mga kababayan. Ito ang isa sa maraming benepisyo na naging bunga ng” ayon kay Angara isponsor ng tax reform law.

Si dating Senador, ngayong Finance Secretary Ralph Recto ang nagpanukala ng naturang probisyon sa batas.

Bago aprubahan ang RA 10963, maraming Filipino ang dumadami ng pangkaramiwang sakit na palaging pumapalya sa pag-inom dahil hindi nakakayanan ang presyo ng medisina.

Resulta ang naturang exemption ng gamot sa VAT dulot pagsasabatas ng TRAIN and Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Laws na nagpababa ang halaga ng medisina upang maging abot-kaya ng mas maraming Filipino.

Batay sa FDA Advisory No. 2024-0329, kabilang ang mga sumusunod na medisina ang nakalista sa VAT-exempt health products:

Para sa Cancer

• Sonidegib (as phosphate) 200 mg capsule;

• Pemetrexed (as disodium heptahydrate) 100 mg lyophilized powder for IV infusion;

• Asciminib (as hydrochloride) 20 mg tablet

• Asciminib (as hydrochloride) 40 mg tablet

• Palbociclib 75 mg tablet

• Palbociclib 100 mg tablet

• Palbociclib 125 mg tablet

• Pemetrexed (as disodium hemipentahydrate) 100 mg powder concentrate for solution for infusion

• Pemetrexed (as disodium hemipentahydrate) 10mg/ml solution for injection

• Cabasitaxel 60 mg/1.5 ml concentrate for solution for injection

• Entrectinib 100 mg

• Entrectinib 200 mg

Sa Hypertension

• Losartan Potassium+Amlodipine (as besilate) 100 mg/10 mg tablet

• Losartan Potassium+Amlodipine (as besilate) 100 mg/5 mg tablet

• Irbesartan+Amlodipine (as besilate) 300 mg/5 mg tablet

• Irbesartan+Amlodipine (as besilate) 300 mg/10 mg tablet

Sa Mental Illness

• Cariprazine (as hydrochloride) 1.5 mg capsule

• Cariprazine (as hydrochloride) 3 mg capsule

• Cariprazine (as hydrochloride) 4.5 mg capsule

• Cariprazine (as hydrochloride) 6 mg capsule

Noong nakaraang Enero, ipinalabas ng Bureau of Internal Revenue ang listahan ng 21 na gamot na inendorso ng FDA para sa VAT exemption.

“The end goal of all of these actions is to make these lifesaving drugs more accessible to those who need it. This was the goal of the TRAIN and CREATE Laws when it included these provisions on VAT exemptions for select medicines. Taking care of one’s health should not be an option,” ayon kay Angara.

Bukod sa VAT exemption, makakakuha din ng discount ang lahat ng senior citizens t persons with disabilities (PWDs) sa naturang gamot alinsunod sa itinakda ng batas.

Si Angara ang author ng RA 9994 o ang Expanded Senior Citizen’s Act, na ipinagpapaliban ang pagsingil ng VAT saa goods at services na ginagamit ng seniors, kabilang ang RA 10754 na nagpapalawak sa benepisyo ng PWDs.

“Apart from the VAT exemption on medicines, the TRAIN Law also reduced the income tax rates of the majority of wage earners and exempted those who earn P250,000 and below,” ayon kay Angara.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo