Marcos nabahala sa pamamayagpag ng China warship sa West Philippine Sea

0
380

Nababahala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdating ng warship ng China sa West Philippine Sea (WPS) at sa panghihimasok sa electronic communications ng Philippine Navy (PN).

“Yeah, it’s worrisome because there are two elements to that. One is that, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin, ngayon may Navy na, sumama pa ang mga fishing boat so nagbabago ang sitwasyon” ayon sa pangulo sa isang ambush interview bago tumungo patungong Canberra, Australia kahapon.

Bagaman at may pangamba, nilinaw naman ng pangulo na patuloy na ipinagtatanggol ng Pilipinas ang kanyang maritime territory.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo matapos ang ulat na mayroong warship ng China Navy sa WPS at ang panghihimasok sa electronic communications capabilities ng Philippine vessel.

Iginiit din ni Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda doon at hayaan silang mangisda sa WPS sa tradisyunal na pamamaraan.

Matatandaan na ayon sa ulat ng PN, karaniwan ang panghihimasok ng China tuwing may ginagawang rotation at resupply mission ang mga barko ng Pilipinas sa WPS.

“So that’s the basic principle there, the fishers must be allowed to fish in their traditional fishing grounds which belong in the maritime territory of the Philippines,” dagdag pa ng Pangulo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo