Jaclyn Jose, binigyang pagkilala ng lalawigan ng Quezon

0
197

MULANAY, Quezon. Binigyang pugay at pinarangalan ng bayan ng Mulanay sa lalawigan ng Quezon ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose.

Sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon ng Sangguniang Bayan at pinagtibay ni Mayor Aris Aguirre, kinilala ang mga kontribusyon ni Jose bilang isang natatanging aktres dahil sa kanyang mahalagang papel sa pagpapalaganap ng turismo sa Mulanay, Quezon sa pamamagitan ng sining ng pelikula.

Noong 1996, kabilang sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, at Tommy Abuel sa pelikulang “Mulanay, sa pusod ng paraiso” na idinirihe ni Gil Portes, isang direktor mula sa Pagbilao, Quezon. Ang kwento ng pelikula ay umiikot sa buhay ni Dra. Ria Espinosa, isang “Doctor to the Barrio” na ginampanan ni Jaclyn Jose, na humarap sa mga hamon ng isang malayong bayan.

Ang pelikulang “Mulanay: Sa Pusod ng Paraiso” ay itinanghal bilang best picture noong 1997 at nagwagi ng apat na pangunahing parangal at 12 nominasyon mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Dito rin tinanghal na best actress si Jaclyn Jose noong 1997 sa Gawad Urian Awards at Famas Awards.

Ayon sa lokal na pamahalaan, dahil sa nasabing pelikula, mas lalong nakilala ang Mulanay, Quezon dahil sa ganda at yaman ng kultura nito.

Author profile
Paraluman P. Funtanilla
Contributing Editor

Paraluman P. Funtanilla is Tutubi News Magazine's Marketing Specialist and is a Contributing Editor.  She finished her degree in Communication Arts in De La Salle Lipa. She has worked as a Digital Marketer for start-up businesses and small business spaces for the past two years. She has earned certificates from Coursera on Brand Management: Aligning Business Brand and Behavior and Viral Marketing and How to Craft Contagious Content. She also worked with Asia Express Romania TV Show.