PNP nagbabala laban sa dumaraming kaso ng ‘hijack profile’

0
194

Naglabas ng babala ang Philippine National Police (PNP) nitong Martes para sa mga netizens tungkol sa pagbibigay ng personal na impormasyon online at pag-click sa mga malicious website links.

Ito ay matapos na magtala ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ng 178 kaso ng “hijack profile” o identity theft mula Nobyembre 2023 hanggang Pebrero 2024 – kung saan ang 89 kaso ay naitala lamang noong Pebrero.

Sa “hijack profile scam,” nagaganap ang hindi awtorisadong pag-access sa partikular na social media account. Kapag napasok na ng hacker ang account, nagpapadala ito ng mensahe sa mga contacts ng may-ari ng account at karaniwang humihingi ng financial assistance sa ilalim ng pagpapanggap.

Ginagamit ng mga scammer ang iba’t ibang paraan upang mabuksan ang profile, tulad ng phishing, hacking o social engineering techniques, na labag sa Section 4 (a) (1) Illegal Access, (b) (2) Computer-related Fraud, at (3) Computer-related Identity Theft ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay ACG chief Maj. Gen. Sidney Hernia, mahalaga na gamitin ng mga netizens ang malakas at kakaibang mga password para sa kanilang online accounts, gamitin ang multi-factor authentication, mag-ingat sa pag-click sa mga links o pag-download ng mga attachments mula sa hindi kilalang sources, at regular na i-monitor ang kanilang mga online accounts para sa anumang kahina-hinalang aktibidad.

“If you suspect that your profile has been hijacked, immediately report it to the platform or service provider, take steps to secure your account, and notify relevant authorities to avoid potential legal liabilities that may arise from unauthorized access or misuse of your online identity, pahayag ng opisyal.

Dagdag pa ni Hernia, dapat iwasan din ng mga netizens ang pagbabahagi ng personal na impormasyon online at tiyakin na may “https://” sa URL kapag naglalagay ng sensitibong impormasyon sa mga website.

“By following these tips and staying vigilant, you can significantly reduce the risk of falling victim to cyber identity theft. Always be proactive in managing your online presence and protecting your personal information,” dagdag niya.

Sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng hijack profile, mahalaga ang pagbibigay ng babala mula sa PNP upang maprotektahan ang mga netizens laban sa posibleng panganib sa online na mundo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo