SITG, itinalaga sa Quezon double murder case

0
182

LUCENA CITY, Quezon. Itinalaga na ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang imbestigasyon sa pamamaslang sa isang babaeng Hapon at sa kanyang inang Pilipino sa Tayabas City, Quezon noong nakaraang buwan.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) nitong Linggo, ito ay resulta ng paunang pagsisiyasat ng Tayabas City Police Office sa nasabing kaso.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Mai Motegi, 26, at Lorry Litada, 54, isang overseas Filipino worker sa Japan.

Nagpahayag naman si Police Regional Office-4 chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na patas ang ipatutupad na imbestigasyon ng SITG sa kaso.

Hinikayat din ni Lucas ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang makamit ang katarungan para sa dalawang biktima.

Nauna dito ay sumuko sa Pio Duran, Albay ang itinuturing na person of interest na si Ligaya Oliva Pajulas, kapatid ni Lorry at tiyahin ni Mai.

Nasa kustodiya na ngayon ng Tayabas Police Station si Pajulas.

Naitala na ang pagkawala ng mag-ina noong Pebrero 21, ayon kay Tayabas Police chief, Lt. Col. Bonna Obmerga.

Maalala na natagpuan ang bangkay ng mag-ina sa isang hukay malapit sa tahanan ni Pajulas sa Bella Vita Subd., Barangay Isabang, Tayabas, noong Marso 14.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.