Economic cha-cha aprubado na sa kongreso

0
161

Inaprubahan na sa ikatlong at huling pagbasa ng kongreso ang panukalang Economic Charter Change. Sa botong 289 na pumabor, pitong tumutol, at dalawang nag-abstain, ang Resolution of Both Houses No. 7, na layong amyendahan ang mga probisyon sa Saligang Batas hinggil sa pagpapasok ng negosyo sa bansa, ay tiyak nang nailusot.

Ang RBH No. 7 ay inilunsad ng mga mambabatas na sina House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, kasama ang iba pang mga lider ng Kapulungan.

Sa pahayag ni Romualdez, itinuturing na nila itong “huling piraso sa puzzle ng mga hakbang sa investment” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang palakasin at mapanatili ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming trabaho para sa kabutihan ng mga Pilipino.

“These changes, if ratified by our people in a plebiscite, will greatly boost these measures, including our President’s investment missions abroad which have generated actual investments and pledges in the billions of dollars and created thousands of jobs,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin naman ng liderato ng Kamara na ang pag-apruba sa nasabing panukala ay nagpapadala ng malakas na mensahe sa mga dayuhang mamumuhunan at sa pandaigdigang komunidad na ang Pilipinas ay “now fully open for business and for investments.”

“We heard the wise counsel and suggestions of the resource persons and experts we invited to our hearings. We assure the business community and our people that we are working on the other factors that affect investments, like ease of doing business, the high cost of electricity, infrastructure, and similar issues,” dagdag pa ng mga mambabatas.

Napagtagumpayan na rin umano ng Kongreso ang pagpasa at pagsasabatas ng Ease of Doing Business Bill.

“The enactment of this law and the recent amendments Congress made to the Public Service Act, Retail Trade Liberalization Law and the Foreign Investment Act are proof that Congress is doing its part in working on measures that it can pass to bring in more foreign investments.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo