Brahma chickens: Ang higante teddy bear ng mga hardin at bakuran

0
1129

Matindi ang dulot ng lockdown sa ating kabuhayan, sa ating mga pinagkakakitaan at higit sa lahat sa ating mental health. Marami ang sobrang malungkot dulot ng maraming buwan pagkakakulong sa loob ng ating mga tahanan.

Kaya naman ang mga ina, ate, tiya, lola, ama, lola at kuya ay biglang naging mga plantita at plantito simula noong taon ng 2020 dahil kawalan ng layang makalabas ng ating tahanan.

Bukod sa pagiging plantito ng mga lalaki, ang iba sa kanila ay nagkahilig sa iba’t ibang hobby gaya ng pag aalaga ng hayop. Isa sa pinakabagong libangan ang pag aalaga ng fancy chicken na Brahma Chicken. Ang manok na ito ay tumitimbang ng 8 hanggang 10 kilo at maaaring tumaas hanggang 3 feet. Tinaguriang King of Poultry, dahil sa bigat ng timbang ay hindi nakakalipad ang manok na ito.

Naiiba ang anyo ng Brahma Chicken kaysa ordinaryong manok. Mayroon itong balahibo sa paa, malapad ang ulo na kung tawagin ay “beetle brow.” Ang mga ito ay gentle giants kaya mainam ilagay sa garden kasama ng mga ornamental plants at ituring na parang pet. Mainam silang isama sa kawan ng mga regular na manok bilang tagapagtanggol sa mga predators. Nagkikipkip sila ng sisiw ng ibang manok upang maging ligtas ang mga ito sa mga lawin.

Nakakatuwa ang Brahma Chicken kung kaya kahit ang mga kabataan ay nag aalaga din nito bagaman at may kamahalan.

Ayon sa kasaysayan, ang Brahma chicken ay binuo sa Amerika mula sa malaking ibon na galing sa China. Ang lifespan nito ay lima hanggang 8 taon. Dual chicken ang mga ito kaya nagbibigay ng karne at itlog. 

Bago pa man dumating ang pandemic ay nagpasimula ng mag alaga at magparami ng Brahma chicken ang aking anak na si Israel. Graduate sya ng BS Agriculture kung kaya mabilis niyang naparami ito sa tamang pag aalaga. Sa loob ng dalawang taon na tayo ay nasa krisis dahil sa pandemic, ito ang nagsilbi nyang hanapbuhay. Naging libangang kumikita ito para sa kanya.

Panoorin natin ang video sa ibaba at makisali sa tuwa sa pag aalaga ng Brahma Chicken.

Libangang Kumikita. Nagsimulang mag alaga ng Brahma chicken si Agriculturist Israel Frago bilang libangan na naging hanapbuhay.
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.