700,000 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Australia tinanggap ng Pilipinas

0
231

Tinanggap ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito G. Galvez, Jr. ang 700,000 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa Australian government na ikinatawan ni Ambassador Steven Robinson, noong Nobyembre 24, 2021.

Ayon kay Robinson, ang dumating na bakuna ay unang batch pa lamang ng 3.6M doses ng AstraZeneca na ibibigay ng Australia sa Pilipinas. “Overall, we’ll have 3.6 million doses coming in to the Philippines — 2.2 million doses from Australia’s domestic supply and 1.4 million doses coming through UNICEF to the Philippines,” ayon sa ambassador.

Bukod sa bakuna, nagdonasyon din ang Australian government ng 100 oxygen concentrators noong nakaraang buwan.

Samantala, nagpasalamat si Health Secretary Francisco Duque III sa bansang Australia at sa mamamayan nito sa tulong na kanilang ibinigay. “These will be used maybe as the first dose, second dose or booster,” ayon naman kay Duque.

Saksi sina Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, Foreign Affairs Asec. Nathaniel Imperial, at Astrazeneca head of government affairs Victor Sepulveda sa pagtanggap ng AstraZeneca vaccines.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.