Babae sa duyan sa quarry site, nabagsakan ng malaking bato, patay

0
207

ATIMONAN, Quezon. Patay ang isang 37-anyos na babaeng nakahiga sa duyan matapos madaganan ng malaking tipak na bato sa isang quarry site sa bundok ng Sitio Pansol, Brgy. Sokol, bayang ito.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktima na kinilalang si Mary, subalit namatay din siya dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente pasado alas-11:00 ng tanghali habang nakahiga si Mary sa kanyang duyan na may layong 3 metro mula sa ginagawang kalsada. Sa oras na iyon, ang live-in partner ni Mary na si Norberto, 52 anyos, ay nag-ooperate ng isang backhoe. Sa pamamagitan ng cellphone, tumawag si Norberto sa kanyang helper na si Yael upang siguruhing walang tao sa ibaba ng bundok. Gayunpaman, hindi umalis sa duyan si Mary kahit na ipinag-utos ito ni Yael.

Ipinagsawalang-bahala ni Mary ang babala ng bigla na lamang gumulong pababa ang malaking bato mula sa taas na 30 metro at nagulungan nito at nadaganan ang duyan na kinahihigaan ng biktima.

Agad na isinugod sa Dona Martha Hospital sa Atimonan, Quezon ang biktima subalit dahil sa malubhang pinsala, ito ay inilipat sa ACE Hospital sa Sariaya, Quezon. Gayunpaman, hindi na na-save ang buhay ni Mary.

Pinag-aaralan ng mga awtoridad ang posibilidad na sampahan ng reklamo ang contractor ng kalsada dahil sa kawalan ng mga safety equipment sa kanilang ginagawang konstruksyon. Ang trahedyang ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng kaligtasan sa mga operasyon sa quarry upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.