3 kolektor ng NPA sa Quezon sumuko sa mga awtoridad

0
165

LUCENA CITY, Quezon. Sumuko sa mga awtoridad noong Martes ang tatlong nagpakilalang kolektor ng “revolutionary tax” ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office-4A, ang mga personalidad ay kilalang sina “Ka Papu/Berto,” “Ka Papa,” at “Ka Abe,” lahat ay mga residente ng Sariaya, Quezon.

Naganap ang pagsuko ng tatlo bandang 4:30 ng hapon sa Quezon-PNP headquarters sa Camp Nakar sa Lucena City, kung saan dala-dala nila ang kanilang mga armas.

Kabilang sa mga armas na isinuko ng tatlo ang caliber .45 pistol, .38 revolver, Colt commando 5.56mm rifle, mga bala, at tatlong 40mm na granada.

Ayon sa kanilang pahayag, sila ang mga namumuno sa pagkolekta ng “revolutionary tax” sa buong lalawigan bilang mga kasapi ng NPA Tax Implementing Unit.

Bilang tugon, inihanda ng pamahalaan ang tulong para sa kanilang pagbabagong-buhay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program.

Sa naturang programa, makatatanggap ang mga sumuko ng kabayaran sa kanilang mga armas, pabahay, serbisyong medikal, mga oportunidad sa pautang, at legal na suporta.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.