LGUs inihahanda na ng OCD laban sa lindol

0
356

MANILA. Naghahanda na ang Office of Civil Defense (OCD) ngayong linggo sa pakikipag-ugnayan at pagtitipon sa mga lokal na pamahalaan upang paghandaan ang posibleng pagdating ng malakas na lindol gamit ang mga “engineering solutions.”

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, tagapamahala ng OCD, ang 17 na regional offices ng ahensya ay nag-aalok ng kanilang tulong sa mga LGU upang ipaliwanag ang kahalagahan ng mga solusyong pang-engineering at pagpapatupad ng mga patakaran laban sa pagtatayo ng mga gusaling tirahan sa mga lugar na itinuturing na “no build zone”.

Ayon kay Nepomuceno, mahalaga ang “strict compliance” sa mga alituntunin ng Structural Code of the Philippines upang maging ligtas laban sa posibleng pinsala ng lindol. Ang pangunahing layunin ay ang pag-iiwas sa sakuna bago pa ito mangyari.

“Strict compliance means respecting the safety provisions of the Structural Code of the Philippines and prohibition of construction of houses in NO BUILD zones,” dagdag ni Nepomuceno

“We are more on the preventive approach than sorry later to save thousands of lives,” sabi ni Nepomuceno.

Bagaman makakatulong ang ginagawang “Duck, Cover, and Hold” drills, dapat aniyang mas binibigyang-pansin ang mga solusyong pang-engineering na nakasaad sa National Building Code at ito ang ipinaliliwanag at ipinatutupad sa publiko.

Batay sa siyentipikong pananaliksik, kabilang ang 2014 JICA at Phivolcs Study, nasa 30,000-50,000 na bilang ng mga nasawi at may mahigit sa 100,000 na malubhang nasugatan ang posibleng mangyari kung sakaling maganap ang 7.2 magnitude na lindol mula sa West Valley Fault System sa Metro Manila Area.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo