Isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagbabalik ng pasukan sa Hunyo

0
168

Ibinalita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Pasay City ang kanyang suporta sa pagbabalik ng pasukan sa lumang school calendar year, na nagsisimula tuwing Hunyo.

Ayon sa Pangulo, personal niyang hiningi kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang konkretong plano para sa pagbabalik ng pasukan sa Hunyo. Ipinunto niya na ang mainit na panahon dulot ng El Niño ay nagtutulak sa mabilis na pagkilos.

“Of course, hiningi ko ‘yan sa DepEd and I asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman, hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman ay kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” ani Marcos.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng agarang aksyon, lalo na sa gitna ng sunud-sunod na kanselasyon o na-postpone ang face-to-face classes dahil sa El Niño.

Sa kasalukuyan, balak ng DepEd na ibalik ang pasukan sa buwan ng Abril at Mayo, ngunit ang suporta ng Pangulo sa pagbabalik ng pasukan sa Hunyo ay maaaring mabago ang kalendaryo ng mga paaralan.

Umaasa si Pangulong Marcos na maipapatupad ang pagbabalik ng pasukan sa Hunyo sa susunod na taon, bilang bahagi ng kanilang hakbang para sa kabutihan ng mga estudyante.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.