China nagpadala ng 30 barko sa Scarborough Shoal: Civilian mission sa West Philippine Sea, balak harangin

0
604

MAYNILA. Nagpadala ang China ng apat na malalaking barko ng China Coast Guard (CCG) at 26 maritime militia upang harangin ang isang civilian mission convoy na nagpa-planong maglayag sa Scarborough Shoal mula Mayo 15 hanggang 17.

Ayon kay Ray Powell, Director of SeaLight (Maritime Monitoring), “China is sending a huge force to blockade Scarborough Shoal ahead of the Atin Ito civilian convoy setting sail from the Philippines Tuesday.” Ang convoy na ito ay binubuo ng dalawang malalaking bangka ng Atin Ito Coalition at 1,000 pang mga bangka ng mga mangingisda na layuning maglagay ng mga boya sa nasabing teritoryo.

Dagdag pa ni Powell, ito na ang pinakamalaking blockade ng China sa Scarborough Shoal. Agresibong inaangkin ng China ang nasabing teritoryo na nasa 124 milya lamang ang layo sa Masinloc, Zambales. Ang programa ng Stanford University’s Gordian Knot Center for National Security Innovation na pinamumunuan ni Powell ay nagmomonitor sa mga aktibidades ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa kabila ng presensya ng mga barko ng China, ipinahayag ni Rafaela David, co-Convenor ng Atin Ito Coalition, na hindi sila aatras at tuloy ang kanilang paglalayag patungo sa Scarborough Shoal. Aniya, magdadala ang mga organizers ng volunteer convoy ng pagkain at fuel para sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na maglalayag ang Atin Ito patungong Scarborough Shoal upang igiit ang karapatan ng mga Pilipino sa soberenya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.