Carwash station ni Kap, ginamit na shabu den ng 2 tauhan

0
174

BACOOR CITY, Cavite. Arestado ang dalawang carwash boy matapos mahuling humihithit ng shabu sa loob ng isang kuwarto sa carwash station na pag-aari ng kapitan ng barangay, kahapon ng madaling araw sa Guerrero St, Ken Carwash, Brgy. Salinas 2, lungosd na ito.

Kinilala ang dalawang suspek sa mga alyas na John at Felimon, na kapwa empleyado ni Brgy. Chairman Mark Anthony Guerrero Torno ng Brgy. Salinas 2, Bacoor City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, 12:30 ng madaling araw nang makita ng isang tauhan ni Kap. Torno ang dalawang suspek sa loob ng isang kuwarto ng carwash station habang bumabatak ng shabu.

Nauna dito, tinawag ni Kapitan ang dalawang suspek upang sila ay kausapin. Dahil hindi sila makita sa labas, nagtungo ang isa sa mga tauhan ni Kap sa kuwarto na kanilang tinutuluyan, sa pag-aakalang nagpapahinga lamang ang mga ito.

Subalit nang buksan ang pinto, nahuli ng tauhan ang dalawang suspek sa aktong gumagamit ng shabu.

Agad na kinompronta ng tauhan ang dalawang suspek at isinama sa barangay hall at ipinasa sa pulisya.

Narekober ang mga drug paraphernalia at mga plastic sachet na may lamang shabu sa loob ng kwarto.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.