TRECE MARTIRES, Cavite. Pinatay at isinilid sa ice box ng kanyang kapitbahay ang 26-anyos na si Mari Joy Singayan kamakailan sa isang insidente kamakailan sa Golden Horizon Villas, Brgy. Hugo Perez, bayang ito.
Kinilala ang suspek na si Wilson, nasa hustong gulang, na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Ayon kay PLt Col Michael Batoctoy, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang 9:15 ng gabi sa bahay ng suspek sa Blk. 105, Lot 20-22 ng nasabing subdivision.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo umano ang biktima sa bahay ng suspek upang singilin ang utang na nagkakahalaga ng P50,000. Dahil wala pang maibayad ang suspek, nauwi ito sa mainit na pagtatalo. Sa kasagsagan ng alitan, hinila ng suspek ang biktima papasok ng bahay at sinakal hanggang sa kumuha ng lubid at bigtihin ito.
Matapos ang krimen, isiniksik ng suspek ang bangkay sa kanilang ice cooler bago ito mabilis na tumakas.
Bandang 4:45 ng hapon, tumawag ang suspek sa kanyang misis at inamin ang ginawang krimen, pati na rin ang kinalalagyan ng bangkay. Agad na nag-report ang misis sa kanilang barangay at ipinagbigay-alam ito sa pulisya, na nagresulta sa pagkakarekober ng bangkay ng biktima sa loob ng cooler.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang mahuli ang suspek at mapanagot sa kanyang krimen.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.