TESDA Online Program, nagdagdag ng marami pang kursong mapagpipilian

0
207

Patuloy na nagpapalakas ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng online training program nito upang madagdagan pa ang online courses sa kanilang platform.

Batay sa report noong Oktubre 2021, 114 na kurso na ang mapa pagpilian sa TESDA Online Program (TOP).

Kabilang sa mga bagong kurso ang International Labor Organization’s (ILO) Job Readiness, English as a Medium of Instruction, Using Educational Technology in the English Language Classroom at Microsoft’s Digital Literacy.

Ang TOP ay isang web-based platform nag nagbibigay ng libreng Massive Open Online Courses (MOOCs) para sa technical education and skills development ng Pilipinong manggagawa.

Sa pamamagitan ng paggamit ng information and communication technologies, ang TOP ay nagbibigay ng mabisa at mahusay na paraan upang maihatid ang technical education and skills development at mapaunlad ng mga kasanayan ng mga Pilipino. Palalawakin nito ang mga pagkakataong makakuha ng trabaho o mapagkukunan ng kabuhayan.

“I invite the public, especially those who have lost their jobs or those trying to venture into a new livelihood, to try enrolling in our online classes. This is offered for free. I’m sure you can find a course from the many options that will best suit your need,” ayon kay TESDA Secretary Isidro S. Lapena.

Para sa mga interesadong mag register o tumingin sa listahan ng mga kurso, bumisita sa web page na ito:

https://e-tesda.gov.ph/

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo