Estudyante patay, 3 sugatan matapos mahulog sa poso negro

0
375

ALFONSO, Cavite. Patay ang isang grade 5 student habang tatlo pa ang nagtamo ng sugat matapos mahulog sa isang poso negro sa loob ng Sinaliw Malaki Elementary School sa Brgy. Sinaliw Malaki, bayang ito.

Pawang mga estudyante ang apat na biktima na isinugod sa Poblete Hospital, subalit idineklarang dead on arrival ang isang 12-anyos na estudyante.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon, sabay na kumain ng tanghalian ang mga estudyante sa loob ng kanilang eskwelahan nang biglang bumigay at bumagsak ang takip ng isang poso negro. Dahil dito, nahulog ang mga ito at bumulusok sa ilalim.

Agad na rumesponde ang mga kawani ng Alfonso Rescue Team at isinugod sa ospital ang mga biktima. Subalit, sa malungkot na pangyayari, isa ang pumanaw habang tatlo ang nagtamo ng mga sugat.

Nakikipag-ugnayan na rin ang pulisya sa eskwelahan upang mabigyang-linaw ang insidente at malaman ang sanhi ng aksidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.