Bagyong Aghon, pumasok na sa PAR

0
285

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang kauna-unahang bagyo ng taon na tatawaging Bagyong Aghon.

Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang mabubuo ngayong Biyernes mula sa isang low pressure area (LPA).

dakong 10:00 ng umaga kahapon, Mayo 23, natukoy ang LPA sa layong 870 kilometro timog silangan ng Mindanao. Batay sa track forecast ng PAGASA, nakikitang tatama ang LPA sa Samar ngunit posible ring lalapit lang sa Eastern Visayas at Bicol bago lumiko palayo sa bansa.

Sa ngayon, hindi pa inaasahan na lalapag ito sa kalupaan at mananatili sa karagatan. Subalit, hindi umano inaalis ng PAGASA ang posibilidad na mag-landfall pa rin ang naturang bagyo.

“Sa Linggo, posibleng lumakas pa ang binabantayang sama ng panahon na maaaring umabot sa tropical storm at severe tropical storm habang papalayo sa bansa,” ayon sa PAGASA.

Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang galaw ng bagyo at pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa mga advisories upang makapaghanda sa anumang posibleng epekto ng bagyo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo