PAGASA: Mas matinding ulan mararanasan sa Oktubre

0
92

Inaasahang mararanasan ang mas matindi o mas maraming ulan simula Oktubre dahil sa pagpasok ng La Niña Phenomenon, ayon sa PAGASA.

Ayon kay Ana Liza Solis, hepe ng Climatology and Agrometeorology Division ng PAGASA, ang La Niña ay magdadala ng iba’t ibang weather system na nagdudulot ng pag-ulan, kabilang na ang localized thunderstorms, shearline, frontal system, monsoon rains, low pressure areas, at mga bagyo.

“Ang La Niña ay nagdudulot ng mas maraming ulan at mas maraming bagyo na maaaring magdulot ng pagbaha,” ani Solis. Dagdag pa niya, ang epekto ng La Niña ay unti-unting mararamdaman simula Hulyo at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon.

Bagamat mainit na panahon at mataas na heat index ang mararanasan sa pagtatapos ng Mayo at sa Hunyo dahil sa monsoon break, asahan na sa Agosto hanggang Nobyembre ay mas maraming bagyo ang papasok sa bansa. Dahil dito, magdadala ito ng mas madaming tubig sa mga major river basin at water reservoir o mga dam.

Ang La Niña ay natural na phenomenon na nagdudulot ng mas maraming ulan sa bansa, kaya’t mahalagang maging handa at alerto ang lahat sa posibleng pagbaha at iba pang kalamidad na kaakibat nito.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo