Pangulong Marcos: Pilipinas hindi makikipag-giyera kahit may banta

0
368

MAYNILA. Hindi pa rin makikipagdigma ang Pilipinas sa kabila ng mga kinakaharap na banta mula sa labas ng bansa. Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng tropa ng Philippine Army 10th Infantry Division na kanyang binisita kahapon sa Davao de Oro.

“Now, I am sure that all of you are aware now that the internal threat has been reduced. We now have to also think about the external threat and that again is a different strategy that we will have to employ,” sabi ni Marcos.

Giit pa ng Pangulo, hindi tayo nakikipag-giyera kahit na kanino at wala naman tayong gustong pasukin kundi tayo ay defensive lang at dinedepensahan lang natin ang ating bansa. “Kaya’t ‘yan ang ating bagong threat na hinaharap ngunit kagaya ng sabi ko, kung nagawa ninyo ito dahil sa internal threat, malakas ang loob ko na kaya rin ninyong gawin pagka-dumating sa tinatawag na external threat,” dagdag pa ng Presidente.

Siniguro rin ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan at militar ang lahat para matiyak na may kapasidad ang lahat upang magawa ang mandato ng bawat isa at maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng teritoryo ng Pilipinas laban sa anumang banta.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga sundalo na maging tagapamayapa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga komunista na magbalik-loob sa batas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo