36 pulis sa Calabarzon kabilang ang 3 hepe, sinibak dahil sa iregularidad

0
146

CALAMBA CITY, Laguna. Tinatayang 36 na pulis sa Calabarzon, kasama ang tatlong Chief of Police, ang tinanggal sa puwesto dahil sa mga irregularidad sa kanilang tungkulin alinsunod sa polisiya ng Philippine National Police (PNP).

Pinakahuling sinibak sa puwesto si Lt. Col. Tyrone De Guzman, hepe ng San Pedro City, Laguna, na pinalitan ni Lt. Col. Jaime Pederio Jr. Nauna nang inalis sa tungkulin sina Lt. Col. Reynaldo Reyes ng Lucena City Police Station at Lt. Col. Jesus Lintag ng San Juan Police Station sa Batangas.

Ang mga nasabing opisyal ay na-relieve dahil sa doktrina ng command responsibility at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong administratibo. Pumalit kina Reyes at Lintag sina Lt. Cols. William Angway Jr. at Rommel Sobrido bilang mga Officer-in-Charge ng kanilang mga police station.

Ayon sa record ng PNP Calabarzon, ang 36 na pulis na tinanggal ay mula sa iba’t ibang intelligence units ng rehiyon. Walo sa mga ito ay mula sa Lucena City, Quezon; walo sa Calamba City, Laguna; 12 sa Imus City, Cavite; at walo mula sa San Juan, Batangas.

Lahat ng mga naturang pulis, ayon sa Police Information Office ng Region 4A, ay inilagay sa floating status at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.