Sen. Angara itinalaga ni PBBM bilang bagong DepEd secretary

0
119

MAYNILA. Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Martes na itinalaga niya si Sen. Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd). Papalitan ni Angara si Vice-President Sara Duterte, na nagbitiw sa kanyang posisyon bilang Kalihim ng DepEd noong Hunyo 17, 2024. Magiging epektibo ang pagbibitiw sa posisyon ni VP Sara sa Hulyo 19.

Inanunsyo ng Pangulo ang pagkakatalaga kay Angara sa isinagawang 17th Cabinet Meeting sa Palasyo ng Malakanyang. Ayon kay Pangulong Marcos, kagyat na tinanggap ni Angara ang naturang posisyon. “Sonny has agreed to take on the brief of the Department of Education,” sabi ni Pangulong Marcos.

Si Sen. Angara ay mayroong ‘extensive legislative history’ at napagtagumpayan ang mahahalagang educational reforms mula nang makasali siya sa Senado noong 2013. Sa pagkakaroon ng Master of Laws mula sa Harvard University, Bachelor of Laws mula sa University of the Philippines, at Bachelor of Science in Economics mula sa London School of Economics, ang kanyang background ay akma sa posisyon bilang pinuno ng departamento.

Kabilang sa mga naunang legislative work ni Angara ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12). Nakahamig din ng suporta si Sen. Angara mula sa mahahalagang educational organizations. Nakatanggap siya ng pag-endorso mula sa Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at Philippine Association of Colleges and Universities (PACU).

Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng DepEd at ang pangangailangan para sa isang lider na may kakayahan na pangasiwaan ang ekstensibong operasyon nito. “DepEd is arguably the most important department given the crucial role of education,” ayon sa Pangulo. Kinilala niya ang pagbabago na mangyayari sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Angara. “We have many excellent candidates,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Nagpaabot ng pasasalamat ang gobyerno kay VP Sara sa kanyang naging serbisyo sa DepEd. Umaasa ang Pangulo sa ‘smooth transition’ sa liderato ni Secretary Angara.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo