‘Mukbang’ balak i-ban ng DOH matapos ang pagkamatay ng isang content creator

0
151

MAYNILA. Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad ng pag-ban sa “Mukbang” matapos ang ulat na naging sanhi ito ng pagkamatay ng isang content creator mula sa Iligan dahil sa stroke.

Nitong Biyernes, nagpalabas ng public health warning si Health Secretary Teddy Herbosa laban sa mukbang videos at nagsabing pag-aaralan nila ang regulasyon sa masamang dulot ng sobrang pagkain o overeating kasunod ng kaso ng pagkamatay ng mukbang vlogger na si Dongz Apatan noong Hunyo 13.

“It’s a bad practice because people make content by overeating. Overeating is not healthy. It will lead to obesity,” ani Herbosa.

Dagdag pa niya, ang obesity ay nagreresulta sa hypertension, heart conditions, non-communicable diseases, at maaaring mauwi sa atake sa puso. Ayon sa kanya, ang panonood ng ganitong mga videos ay maaaring magresulta sa eating disorders o internet addiction, dahil sa panggagaya sa sobrang pagkain at ang pag-engganyo sa mga tao na gumawa rin ng mukbang vlog upang kumita ng pera, kahit delikado sa kalusugan.

Ayon pa kay Herbosa, maaaring magpalabas ng ban sa mukbang videos kung makumpirmang nauugnay ang pagkasawi ni Apatan sa overeating.

“You are promoting unhealthy behavior to the Filipinos….I can ban it locally. I can propose banning mukbang locally. Even ask the DICT to stop those sites. [It’s like] food pornography,” ani Herbosa. “It’s asking, making people eat like gluttons. You can earn income as long as it does not produce health risks. If you’re earning from something that is a public health threat, I will have to stop you,” dagdag pa niya.

Ang DOH ay patuloy na magsasagawa ng imbestigasyon at pag-aaral upang matukoy ang mga susunod na hakbang sa regulasyon ng mukbang videos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo