Nakagapos na bangkay ng babae na nakasako, natagpuan sa Laguna

0
230

BAY, Laguna. Natagpuan ng mga awtoridad sa isang lugar sa bayang ito sa Laguna ang naaagnas na bangkay ng babae na nakagapos at nakasako, noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakatali gamit ang duct tape at isinilid sa sako. Isinailalim na sa DNA testing ang bangkay, at na-cremate na rin ito.

Ipinatawag ng mga awtoridad ang isang pamilya na unang lumapit sa kanila upang iulat ang pagkawala ng kanilang kaanak na babae. Tumanggi muna ang pamilya na magbigay ng pahayag habang hinihintay pa ang resulta ng DNA test.

Sa kasalukuyan, hawak ng pulisya ang dalawang “persons of interest” habang pinaghahanap pa ang iba pang posibleng kasabwat sa krimen. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.

Kaugnay nito, pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babaeng accountant na dinukot umano ng lalaking nakilala niya sa isang dating app sa Quezon City.

Hiniling ng pulisya ang kooperasyon ng publiko sa pagbibigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.