Workers na apektado ng POGO ban, tutulungan ng DOLE

0
221

MAYNILA. Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na tutulungan nila ang lahat ng manggagawa na maaapektuhan ng pagsasara ng lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ayon kay Laguesma, “Aalukin namin ng mga trabaho at livelihood programs ang mga POGO workers na maaapektuhan ng ban.” Maaaring makipag-ugnayan na ang mga apektadong manggagawa sa DOLE simula ngayong linggong ito.

Ang mga inisyatiba ng DOLE ay kinabibilangan ng upskilling, retraining, at pagdaraos ng mga job fair para sa lokal at overseas na empleyo. Kasama rin sa kanilang plano ang pagtulong sa mga manggagawa sa pamamagitan ng profiling upang matukoy ang mga trabaho na angkop sa kanila.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang DOLE ng profiling sa mga apektadong manggagawa at kinumpirma ni Laguesma na sa 79 na internet gaming licenses, 28 sa mga POGO firms sa National Capital Region (NCR) ang nagbigay ng listahan ng kanilang mga empleyado. Karamihan sa mga trabahong hawak ng mga naturang manggagawa ay may kinalaman sa encoding, information technology, administrative, finance, at iba pa.

Kabilang sa mga trabahong target na ibigay sa mga POGO workers ay nasa industriya ng business process outsourcing (BPO).

Matatandaang noong ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-ban sa lahat ng operasyon ng POGO sa bansa dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa scamming, money laundering, prostitusyon, human trafficking, kidnapping, torture, at murder.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo