State of calamity idineklara sa 8 bayan sa Cavite dahil sa malawakang oil spill

0
137

CAVITE CITY. Idineklara na ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang state of calamity sa walong bayan ng probinsya dahil sa malawakang oil spill na naganap noong nakaraang linggo.

Apektado ng oil spill ang mga baybayin ng Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate, ayon kay Remulla. “Kumalat na po ang oil spill sa baybayin dagat ng Cavite,” pagbabahagi niya sa isang pahayag.

Dahil sa malawakang pinsala, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng “no catch zone” sa lahat ng mga lamang dagat malapit sa mga apektadong lugar upang maprotektahan ang mga mangingisda at ang kalikasan.

“As of today, the province is declaring a state of calamity in these areas,” dagdag pa ni Remulla.

Samantala, inihayag din ng gobernador na nagsasagawa na ang provincial government ng pamamahagi ng mga relief goods para sa tinatayang 25,000 na mangingisdang naapektuhan ng oil spill.

Pinagmulan ng Oil Spill

Matatandaan na lumubog ang MT Terranova noong Hulyo 25 sa dagat na sakop ng Limay, Bataan karga ang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil. Ang insidenteng ito ang pangunahing sanhi ng malawakang oil spill na nagdulot ng malaking pinsala sa marine ecosystem at sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Cavite.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo