Umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno, matatanggap na

0
173

MAYNILA. Nakahanda nang ipatupad ang umento sa sahod para sa mga kawani ng gobyerno ngayong taon, ayon sa anunsyo ni Budget Secretary Amenah Pangandaman. Hinihintay na lamang nila ang opisyal na pagpapalabas ng executive order mula sa Palasyo para sa implementasyon nito.

Ayon kay Pangandaman, ang nakalaang pondo para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024 ay umaabot sa P36 bilyon. Nilinaw ng kalihim na ang salary adjustment ay magiging retroactive mula Enero ng taong ito, ngunit hindi pa matukoy kung magkano ang eksaktong itataas sa sahod.

Para sa susunod na taon, inihahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P70 bilyon para sa ikalawang tranche ng salary adjustment para sa mga kawani ng gobyerno, kabilang na ang pagtaas ng sahod para sa mga guro.

Bukod sa dagdag na sahod, inaasahan din ang P7,000 na cash medical allowance para sa mga kawani ng gobyerno, na may kabuuang pondo na P9.6 bilyon. Iginiit ni Pangandaman ang kahalagahan ng pagbibigay ng atensyon sa kalusugan ng mga kawani ng gobyerno.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo