Dalawang bagong kaso ng mpox, naitala sa NCR at CALABARZON; aktibong kaso umabot na sa lima!

0
109

MAYNILA. Dalawa pang kaso ng mpox ang naitala sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Agosto 28. Ang isa ay mula sa Metro Manila, habang ang isa naman ay mula sa rehiyon ng CALABARZON. Dahil dito, umabot na sa 14 ang kabuuang bilang ng mpox cases sa Pilipinas mula pa noong Hulyo 2022.

Mula sa nasabing bilang, siyam na kaso ang nakarekober na simula 2023, habang lima pa ang nananatiling aktibo at kasalukuyang naghihintay na mawala ang kanilang mga sintomas.

Ayon sa DOH, ang ika-13 kaso ay isang 26-anyos na babae mula sa National Capital Region (NCR). Nagsimula siyang magpakita ng sintomas ng mpox noong Agosto 20, na kinabibilangan ng mga rashes sa mukha at likod, na sinamahan ng lagnat.

Samantala, ang ika-14 na kaso ay isang 12-anyos na lalaki mula sa CALABARZON. Nagsimula ang kanyang sintomas noong Agosto 10, kung saan una siyang nilagnat at kalaunan ay nagkaroon ng rashes sa mukha, hita, trunk, at pubic area, hanggang sa kumalat ito sa iba pang bahagi ng kanyang katawan. Inuubo rin siya at may pamamaga ng lymph nodes sa groin area.

Sinabi ng DOH na ang dalawang bagong kaso ay nahawaan ng MPXV Clade II, isang mas mild na uri ng mpox virus. Ayon sa kanila, “Initial investigation is consistent with earlier findings of local transmission of clade II. Details are being verified as to how close and intimate, skin-to-skin contact may have taken place.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo