Comelec, sasawatahin ang maling paggamit ng AI sa 2025 elections

0
218

Mga Troll Farms at Fake News, Target ng Regulasyon

MAYNILA. Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) na sasawatahin nila ang maling paggamit ng artificial intelligence (AI) at troll farms sa darating na 2025 Elections. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naglatag na ng mga panuntunan ang komisyon upang i-regulate ang paggamit ng AI, deep fakes, soft fakes, at iba pang teknolohiya na maaaring gamitin sa maling paraan.

“Hindi po namin tuluyang ipagbabawal ang paggamit ng AI dahil maganda naman ito kapag nagamit nang maayos,” pahayag ni Garcia. Dagdag pa niya, layunin ng mga tuntunin na gawing mas madali ang pakikipag-ugnayan sa mga social media platforms upang alisin ang malicious information o fake news.

Kaugnay nito, iniutos din ng Comelec na dapat iparehistro ng mga kandidato ang kanilang mga social media accounts na gagamitin sa kampanya. Ang mga mapatutunayang nagkakalat ng maling impormasyon ay parurusahan.

“Even po yung mga troll farms, we will try to weed out,” diin ni Garcia, na naglalayong masigurong malinis at patas ang halalan sa harap ng lumalaking banta ng digital misinformation.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo