TUPAD payout, ipinamahagi ni Sen. Villanueva sa Laguna

0
772

Sta. Rosa City, Laguna. Pinangunahan ni Senator Joel Villanueva ang pay-out at orientation briefing ng mahigit na 600 mamamayan ng Biñan at Santa Rosa sang Laguna para sa TUPAD emergency employment program kahapon ng umaga.

Ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa Sta Rosa ang TUPAD uniform, personal protective equipment at kagamitan para sa kanilang 10 araw na trabaho.

Ayon sa mensahe ni Villanueva, “nais pa niyang palakasin ang TUPAD emergency employment program sa pamamagitan ng pagpapasa ng batas upang iyo ay maging regular na programa ng gobyerno. Dahil dito, ayon sa kanya ay inihain niya ang Senate Bill No. 1456.”

Si Villanueva ang chairman ng labor committee ng senado. Ang payout sa mahigit na 400 na Lagunense na lumahok sa 10-araw na trabaho sa ilalim ng TUPAD emergency employment program ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni Laguna 1st District Representative Len Alonte.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat  Cong. Alonte kay Villanueva dahil ayon sa kanya “kailan man ay hindi siya nabigo sa paghingi ng suporta dito para sa mga programang makabubuti sa kapakanan ng mga Lagunense noon pa mang sila ay magkasama pa sa kongreso.”

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang assistance program ng Department of Labor and Employment.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.