LPA pumasok sa PAR, posibleng maging Bagyong “Nika” sa loob ng 12 oras

0
351

MAYNILA. Pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isang low pressure area (LPA) at inaasahang magiging tropical cyclone sa loob ng susunod na 12 oras, ayon sa PAGASA nitong Sabado ng umaga.

“This weather disturbance has a high chance of developing into a tropical cyclone within the next 12 hours,” ayon sa abiso ng PAGASA.

Ang nasabing LPA ay huling namataan 1,170 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon bandang alas-2 ng madaling araw. Tatawagin itong “Nika” oras na maging ganap na tropical cyclone.

Bukod dito, binabantayan din ng PAGASA ang isa pang LPA na nasa 2,870 kilometro sa silangan ng northeastern Mindanao. “It has little chance of turning into a tropical cyclone in the next 24 hours, but it will gradually strengthen over the next few days,” ani PAGASA weather specialist Daniel James Villamil.

Samantala, namataan din si Bagyong Yinxing, na dating tinatawag na “Marce,” sa layong 500 kilometro sa kanluran ng Laoag City (labas ng PAR). Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 155 km/h at bugso hanggang 190 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h.

Patuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa mga nasabing sama ng panahon para sa posibleng epekto nito sa bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.