Isa pang staff ni VP Sara Duterte, naospital matapos dumalo sa house probe tungkol sa confidential fund

0
44

MAYNILA. Isa pang staff ni Vice President Sara Duterte ang naospital matapos dumalo sa imbestigasyon ng Kamara ukol sa paggamit ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ng milyun-milyong pisong confidential fund.

Nitong Lunes, Nobyembre 25, isinugod sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Special Disbursement Officer Gina Acosta matapos tumaas ang kanyang blood pressure habang sumasagot sa mga tanong ng mga kongresista.

“Ms. Gina [Acosta] is currently unresponsive for now so House Medical Director Luis Bautista declared it an emergency,” ayon kay Atty. Leandro Resurreccion IV.

Sa gitna ng imbestigasyon, sinabi ni Acosta na noong 2022 ay kanyang ini-release ang P125 milyong confidential funds ng OVP sa isang Colonel Lachica, pinuno ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG). Sinabi niya na ginawa niya ito batay sa direktiba umano ni Vice President Duterte

“May approval po kay Ma’am Inday Sara,” sagot ni Acosta sa tanong ni Batangas Representative Gerville Luistro.

Nang tanungin kung ibibigay ba niya ang pondo kay Lachica kung walang pahintulot ni Duterte, mariin niyang sinabi, “Hindi po.”

“I trust Sir Lachica po kasi tina-trust po siya ng aking head of [OVP] office na si Ma’am Inday Sara [Duterte],” dagdag pa niya.

Ayon kay Luistro, ang Presidential Decree 1445 ay nagbabawal sa isang disbursing officer na ipasa ang responsibilidad ng pamamahala sa pondo sa ibang tao. Dahil dito, maaari umanong maharap si Acosta sa kasong malversation of public funds.

Ipinaliwanag ni Acosta na ginawa niya lamang ang direktiba ng kanyang superior.
“Nanaig po ang aking belief na may trust po ako kay Lachica dahil authorized po ni Ma’am Sara Duterte,” aniya. “Wala po akong alam kung paano i-implement ang confidential activities. Si Sir Lachica lang po ang may alam.”

Habang nagpapatuloy ang pagdinig, bigla na lamang sumama ang pakiramdam ni Acosta. Dahil dito, agad siyang inalalayan ni VP Duterte papunta sa ambulansya bago dinala sa ospital.

Ang nasabing pagdinig ay bahagi ng patuloy na pagsisiyasat sa paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.