Bagong impeachment complaint inihain laban kay Sara Duterte

0
55

MAYNILA. Inihain abg isang panibagong impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte noong Miyerkules sa House of Representatives.

Mahigit 70 katao mula sa iba’t ibang sektor ang nagsumite ng ikalawang reklamo laban kay Duterte. Sa kanilang reklamo, binanggit nila na nilabag umano ni Duterte ang tiwala ng publiko dahil sa “pang-aabuso sa discretionary powers” kaugnay ng confidential funds, kawalan ng pagpapahalaga sa transparency at accountability, at pagpapabaya sa tungkulin dahil sa pagtangging kilalanin ang Congressional oversight sa panahon ng budget deliberations.

Ayon sa reklamo, “The betrayal of public trust evident in respondent’s actions represents a fundamental breach of the covenant between public servant and citizen— a breach so severe that it can only be remedied by her removal from office through impeachment with the penalty of permanent disqualification from holding public office.”

Dagdag pa sa reklamo, “It is time to put an end to the regime of fiscal impunity that has plagued the Office of the Vice President since 2022.”

Ang pagsasampa ng bagong reklamo ay kasunod ng unang impeachment complaint laban kay Duterte na inihain noong Lunes, Disyembre 2, ng mga advocacy group.

Samantala, sinabi ng dalawang mambabatas na obligadong aksyunan ng Kamara ang impeachment complaint alinsunod sa mandato ng Konstitusyon.

Sa kabilang banda, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya pabor sa anumang plano ng impeachment laban kay Duterte, dahil naniniwala siyang wala itong maitutulong sa buhay ng mga Pilipino.

Photo credit: GMA7 News Online

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.