PSA: Inflation pumalo sa 2.5% noong Nobyembre

0
107

MAYNILA. Tumaas ang inflation rate ng bansa noong Nobyembre, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.

Iniulat ng PSA na ang headline inflation ay umabot sa 2.5 porsyento noong Nobyembre, mas mataas kumpara sa 2.3 porsyento noong Oktubre. Ang naturang datos ay pasok sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2.2 hanggang 3 porsyento.

Mula Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan, ang average inflation ay nasa 3.2 porsyento, na nananatiling pasok sa target range ng pamahalaan na 2 hanggang 4 porsyento.

Ayon pa sa PSA, “Core inflation, which excludes selected food and energy items, increased to 2.5 percent in November 2024 from 2.4 percent in October 2024. In November 2023, core inflation was faster at 4.7 percent.”

Ang core inflation ay binibigyang pansin dahil ito’y nagtatanggal ng epekto ng mas pabagu-bagong presyo ng pagkain at enerhiya, kaya’t mas nagpapakita ito ng pangkalahatang kondisyon ng ekonomiya.

Patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang paggalaw ng inflation sa bansa upang matiyak ang katatagan ng ekonomiya at kapakanan ng mga mamamayan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.