No. 1 most wanted person sa CALABARZON, nadakip sa Cavite

0
628

Trece Martirez, Cavite.  Nadakip kamakailan sa bayang ito ang number one most wanted person sa listahan ng Police Regional Office-Region 4A (PRO-Region 4A).

Ang inarestong suspek na rapist na dalawang taong nagtatago ay kinilala ni Brig. Gen. Gilbert Cruz ng PRO Region 4A na si Chris John Diaz, 41 anyos at residente ng Cavite City.

Si Diaz ay kinasuhan ng rape sa isang biktimang 11 taong batang babae na anak ng kasama niya sa trabaho sa isang construction company. 

Ayon sa rekord ng korte, dinadayo ng inuman ng suspek ang ama ng biktima. Naganap ang apat na beses na panggagahasa tuwing makikitulog ito sa bahay ng biktima.

Hindi agad nakapagsumbong ang bata sa takot sa banta ng suspek na “papatayin ang kanyang ama kapag nagsumbong siya.”

Si Diaz ay nadakip ng pinagsamang pwersa ng Calabarzon Intel Division at Cavite PNP. Nakatakda niyang harapin ang kasong rape na isinampa laban sa kanya.

Photo credits. GMA Network
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.